ang gulo nang love noh?
pag mahal mo,
di ka mahal...
pag mahal ka..
di mo naman mahal.
minsan, mahal mo...
pero di ka pa mahal..
pag mahal ka na...
di mo na sya mahal...
mahal mo nga,
pero dahil bestfriend mo,
di mo pwedeng mahalin.
pero minsan,
mahal mo,
kaya nagpapakabestfriend ka.
hindi ka raw sasaktan,
pero lagi kang umiiyak.
minsan,
inaasar ka,
kasi may pagtingin sau..
papansin kumbaga.
mahal mo,
pero dinededma ka
dinededma mo,
para kunyari di mo mahal.
hay naku...
bakit ganyan ang love?
mahal mo pero,
pag pinahalata mo,
iiwasan ka.
iniiwasan mo,
kasi ang totoo,
mahal mo.
mahal nyo ang isa't isa,
pero di pwedeng kau.
mahal mo,
pero kaibigan mo ang mahal.
mahal ka nya,
pero bestfriend nya mahal mo.
mahal mo sya,
at mahal ka nya,
sya lang ang mahal mo,
pero sa kanya marami pala kau.
nakakahilo noh?
magpapaligaw...
di ka naman pala sasagutin.
sasagutin ka...
para may pandisplay lang...
gagastusan mo,
kahit wala ka ng pera...
pero ikaw,
ni birthday mo di maalala...
tsk tsk tsk...
mahal mo,
pero ayaw kang mahalin.
ayaw mong mahalin,
pero mahal ka nya..
bwisit talaga noh?
gusto mong mahalin ka..
pero sya gustong kalimutan ka...
eh ano ba talaga gusto nyong mangyari?
corny raw pag inlove,
pero kinikilig ka...
kinikilig ka...
pero pakunwari lang..
bakit? corny xa eh!
mahal mo...
pero di mo kayang ipaglaban..
pinaglalaban mo..
pero walang pinatutunguhan...
hay! lecheng buhay to oo!
mahal mo..
kaya kinukulit mo...
kinukulit mo...
baa sakaling maasar at lumayo na
sayo...
puro maganda sa kanya nakikita mo...
pero di ka nya napapansin...
binibilan mo ng regalo...
pero gusto mo may kapalit...
tama ba un?!
pero minsan masaya diba?
kasi may yayakap sau..
pag umiiyak ka..
may magpapatahan sau...
may maglalambing..
may aalalay sau..
mag mag-aalala tungkol sau..
may pagsasabihan ka ng problema mo..
eh pano kung ang love na feel mo..
eh ung love na unang nilarawan ko?
ang hirap noh?
lol.
Monday, February 19
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






No comments:
Post a Comment