Our vita's 6th birthday was perfect!
alam nyo kung bakit? syempre nakama nya ang daddy and mommy nya plus ang ading nya sa tyan ng mommy.
sa aming paggising sa araw ng kaarawan ng aming anak, napakalakas na ulan at hangin ang una namin nakita at syang nalungkot kame kase may bagyo signal no. 2. Hindi namen ipinaramdam sa baby girl namen na kami ay nalungkot..akala namen wala ng darating na bisita dahil sa bagyong dumating, maraming tumawag at nagext at humingi ng sorry kase hndi na makapunta dahil sa weather.. 2;00 ng hapon, pag uwi namen ng bhay galing sa check up ko at kasama namen ng daddy ang birthday celebrant, nagulat kame at andami nang mga bata, mga bisita.. ang party na dapat sa labas ng bahay gaganapin ay ginanap na namen sa loob ng bahay.. ang clown na dapat hindi makapunta ay natuloy din pumunta. ang mga baloons na basang basa ay ni isa walang pumutok..ang spaghetti, pansit, bbq, hotdogs,gelatin, buko pandan at chicken ay hindi nasayang sa dami ng tao.. masaya naming kinantahan lahat ng happy birthday ang napakagandang celebrant na syang nakasuot ng pink dress , silver shoes at pind headband na syang pinili at gift sa kanya ng daddy mon nya.. Excited nyang blinow ang 6 candles sa dora cake nya na regalo naman ng kanyang ninang mathilde.. Pinasaya ng clown ang mga taong dumating lalong lalo na si frances at ang mga bata.. salamat sa tito dong sa gift nyang clown para sa party. .
lahat ng birthday wishes ng aming mahal na anak ay natupad nung araw na yon.. salamat panginoong diyos, salamat sa pagmamahal nya sa aming anak kung hindi dahil sa kanya hndi naging successful ang birthday partry nya..sa mga bisitang nag attend at nakasama nang aming anak sa 6th birthday nya, maraming salamat at kahit bumagyo nakapunta padin po kayo at kitang kita namen sa mukha nyo na hndi kayo nagsising nag attend at sinabi nyong nag enjoy pa kayo..ang aming anak inyong pinasaya ng sobra sobra! sa malakas na ulan at hangin, alam naming blessings kayo galing kay Lord.
anak, ang wish namen ng daddy mo ay sana lumaki kang mabait at may mabuting kalusugan at laging masayahing bata.. mahal na mahal ka namen ng daddy mo at ganun din ng ading mo na sigurado ako gustong gusto ka na din nyang ihug at huag mong kakalimutang magpasalamat lagi sa panginoon para sa lahat lahat..






No comments:
Post a Comment